Ang Aming Mga Manunulat

Tingnan lahat

Mga artikel na isinulat ni Tim Gustafson

Pagkakaiba-iba

Dumagsa ang mga tao sa iba’t ibang kapulungan ng mga sumasampalataya kay Jesus sa aming lugar. Bunga ito ng giyera sa karatig lugar. Naging hamon naman ang pagdami ng tao sa bawat kapulungan. Kailangan kasi nilang makisama sa mga taong iba ang kultura, lenggwahe at paraan ng pagsamba sa Dios.

Ang hindi pagkakaunawaan o pagkakasundo ay madalas nating makikita sa mga…

Ang Sinabi ng Dalubhasa

May isinulat ang manunulat na si Jeff Jacoby tungkol sa mga hula ng mga dalubhasa noon. Naniniwala ang mga tao na tama at mangyayari ang mga sinasabi ng mga dalubhasa. Pero hindi naman nangyari ang mga ito. Kung babalikan nga natin ang kasaysayan tama si Jacoby. May sinabi noong 1928 ang dalubhasa na si Henry Ford na hindi na muling magkakaroon…

Umasa sa Hari

Hindi na inaasahan ni Andrew Cheatle na makikita pa niya ang cellphone niyang nawala sa tabing-dagat. Pagkaraan ng mga isang linggo, tinawagan siya ng mangingisdang si Glen Kerley para ibalik ang cellphone niya. Nakuha ito ni Glen sa loob ng isang malaking isda at nang matuyo, gumana pa rin ito.

May mababasa rin tayong ganoong kuwento sa Biblia. Minsan, tinanong si…

Tunay na Tahanan

Ilang taon na ang nakakaraan, nadestino ako sa isang liblib at napakalayong lugar. Habang pauwi ako galing sa trabaho, nakaramdam ako ng matinding pangungulila sa pamilya ko. Magpapasko na kasi noon.

Pag-uwi ko sa tinutuluyan namin, bumungad sa akin ang kakaiba at maningning na Christmas tree na ginawa ng kasama ko. Pinasigla nito ang malungkot na tinutuluyan naming bahay. Kahit…

Tahanan ng Puso

Ang West Highland Terrier ay isang uri ng aso na mahilig maghukay at kalabanin ang kaaway nito sa kanilang tinitirhan. Nagkaroon kami ng ganoong uri ng aso. Minsan, may nakita itong insekto na pumunta sa ilalim ng lupa. Sa kagustuhan nito na mahanap ang insekto, hinukay niya ang lupa. Hindi namin siya mapigil kaya umabot sa ilang talampakan ang nahukay…

Sa Kalungkutan

Noong una kong makita ang sanggol, hindi ko napigilang maiyak. Ang ganda sana nitong pagmasdan, kaya lang, wala na itong buhay.

Nang mamatay ang sanggol, sumulat sa amin ang ina nito. Sinabi niya, “Napakasakit ng pangyayaring iyon para sa amin. Pero ipinakita ng Dios ang pagmamahal Niya sa amin. Naging makabuluhan ang buhay ng aming anak dahil natuto kaming magtiwala nang…

Away-magkapatid

Noong mga bata pa kami ng kapatid kong lalaki, madalas kaming mag-away.

Nababagay ang kuwento namin sa Aklat ng Genesis. Makikita kasi rito ang mga kuwento ng magkakapatid na nagkaroon ng 'di pagkakaunawaan tulad nina Cain at Abel (GEN. 4); nina Isaac at Ismael (GEN. 21:8-10); at ni Jose at ng mga kapatid niya (GEN. 37). At kung away-magkapatid ang pag-uusapan,…

Sa kabila ng Problema

Muling naalala ni Marc ang isang pangyayari sa kanyang buhay. Ipinatawag sila noon ng kanilang ama para sabihin ang malaking problemang hinaharap nila. Malapit na raw maubos ang pera nila sa katapusan ng buwan at nasira rin ang kanilang sasakyan. Nang masabi iyon ng kanyang ama, nanalangin siya. Pagkatapos, sinabi niyang asahan nila na tutugon ang Dios.

Tumugon nga ang Dios.…

Tunay na Pangyayari

Ikinukuwento ko lagi ang isang pangyayari noong bata pa kami ng kapatid ko. Sa pagkakaalala ko, pinarada ng kapatid ko ang aming bisikleta kung saan may ahas. Naipit sa gulong ang ahas kaya hindi ito makaalis.

Nang mabasa ko naman ang sulat ng aking ina kung saan ikinuwento niya ang nangyari, nadiskubre ko na ako pala ang nagparada sa bisikleta. Nalaman…